picnic
Sunday, August 26, 2012
Tulles and Ribbons
Ang pinakapaborito kong gusali sa aming unibersidad ay ang library o ang Edilberto P. Dagot Hall. Gustung-gusto ko yung napakalaking chandelier na gawa sa capiz doon sa bulwagan. Idagdag mo pa ang mga imahe ng mga kilalang pinta na matatagpuan sa bawat palapag. Kailan ko lang nalaman na donasyon pala yun ng isang mapagkawanggawang mayaman.
Isa sa mga pinta doon ay ang likha ni Edgar Degas na The Dance Class. Si Edgar Degas ay isang Impressionist. Ang termino ay hango sa isa sa mga pinta ni Claude Monet na Impression: Sunrise. Ibig sabihin, ipinipinta ng isang Impressionist ang mga bagay na kanyang naranasan o nasaksihan sa pamamagitan ng maiiksi, at putul-putol na pagguhit ng brush at paglalaro sa epekto ng ilaw.
Sa aking pagsasaliksik na nalaman kong ang setting ng pinta ay ang Palace Garnier sa Paris, ang tahanan ng Opera House at ng ballet. Kapansin-pansin sa pinta ang mga batang babae na sa ayos at postura ng katawan ay halata na matagal na silang nagsasanay. Kita rin sa pinta ang isang matandang lalaki na ang sa tingin ko ay ang kanilang master na mukhang masungit at istrikto.
Sa kabila ng murang edad,dumadaan sila sa isang matinding pag-eensayo at marahil araw-araw pa ito kaya naman hindi na sila nakakapasok sa paaralan. Ginagawa nila ang lahat at nagpapakahirap upang sa gayon ay makasama sila sa mga nakapagtatanghal sa opera. Isang bagay na mahirap gawin para sa isang babaeng nas murang edad pa lamang.
Wednesday, August 8, 2012
Ang Itak sa Puso ni Mang Juan
Una
kong nakita ang larawan ng pintang ito noong isang taon sa subject namin na
Humanities. Likha ito ni Antipas Delotavo, isang social realist. Kung tama ang
pagkakatanda ko, ang Social Realism ay masasabi na isang artistic movement na
gumagamit ng artistiko o masining na paraan upang maipahayag o maipakita ang
mga problemang nangyayari sa ating kapaligiran.
Maraming pwedeng maiparating na
mensahe ang pinta, depende sa persepsyon ng tumitingin. Para sa akin may
dalawang ipinahahatid na mensahe ang likhang ito. Una ay ang pagpapahirap na
ginagawa ng mga kapitalista sa ating mga Pilipino. Katulad ng Coca-Cola na
ginamit na representasyon, ang mga kapitalista ang syang utak ng mga pagtaas ng
bilihin ang kumikitil o “sumasaksak” sa ating Pilipino. Samantalang si Mang
Juan, wala man lang kalaban-laban. Tumatanda na lang na ang tanging dinadanas
ay gutom at kahirapan.
Ang pangalawang mensahe na nakita
ko sa likha ni Delotavo ay ang epekto colonial mentality sa ating mga Pilipino.
Katulad ng Coca-Cola na ginamit na representasyon, nabubulag na tayo sa mga
produkto na gawa sa ibang bansa. At magugulat na lang tayo na nasaksak na nito ang
ating mga puso’t isipan at napatay na nito ang ating pagka- Pilipino.
Subscribe to:
Posts (Atom)